November 4, 2022
WASHINGTON (Nobyembre 4, 2022) – Ngayong araw, ipinahayag ng U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ang paunang pakikibahagi ng publiko at mga oportunidad upang makapagbigay ng input para sa subset ng mga bago at kasalukuyang ipinapatupad na mga programa na pinopondohan sa ilalim ng Inflation Reduction Act ni President Biden. Ang mga program a ito, na kabilang ang pagpopondo para sa mga proyekto hinggil sa kalidad ng hangin at mga proyekto para sa klima na tumutugon sa clean energy, transportasyon, mga emission ng methane, at mga super pollutant sa klima, ay magpapasulong sa malaking agenda ni President Biden para malabanan ang climate crisis, maprotektahan ang kalusugan ng publiko at mapasulong ang environmental justice.
“Ang Inflation Reduction Act ay nagkakaloob sa mga estado, tribu, komunidad at organisasyon ng di pa nagagawa kahit kailan na oportunidad para makapagdulot ng tumatagal na progreso upang patas na maprotektahan ang mga tao at ang planeta mula sa air pollution at climate change,” sabi ni Joseph Goffman, ang Principal Deputy Assistant Administrator para sa Office of Air and Radiation ng EPA. “Sabik kaming makiisa sa lahat ng makikinabang sa pagtatagumpay ng mga pagsisikap na ito, at ang mga susunod naming hakbang ay gagabayan ng kaalaman at karanasan mula sa mga naging talakayan namin at ang feedback na natangga pnamin sa mga susunod na ilang buwan.”
Ang engagement strategy ng EPA para sa mga programa na ito ay kinabibilangan ng:
- Request for Information (RFI) o Paghihiling ng Impormasyon: Pagpapalabas ng isang request para makakuha ng input mula sa publiko para mabigyang kaalaman tungkol sa disenyo ng programa;
- Input ng Eksperto: Pagkuha ng input ng eksperto sa mga susing tanong tungkol sa disenyo ng programa mula sa mga Federal Advisory Committee kasama ng EPA kasama na ang Lokal na Government Advisory Committee, Clean Air Act Advisory Committee at ang National Environmental Justice Advisory Committee;
- Mga Session para Makinig: Paglulunsad ng serye ng mga session para makinig ang stakeholder para mapahintulutan ang mga pangunahing stakeholder, kabilang na ang mga environmental justice na komunidad, mga pang-estado at lokal na pamahalaan, mga tagapagtanggol para sa clean energy, manggagawa, at iba pa upang direktang mabigay ang kanilang input sa staff ng EPA; at
- Bagong Webpage: Paglilikha ng isang one-stop shop upang makakuha ng impormasyon sa pagpapatupad ng Inflation Reduction Act na mga programa na pinamamahalaan ng Office of Air and Radiation ng EPA.
Ngayong araw, ang EPA ay naglathala ng Request for Information (RFI) na hangad ang komento ng publiko sa pangunahing mga aspekto ng iba’t ibang mga Inflation Reduction Act na programa, isang mahalagang unang hakbang habang nagtatrabaho ang Agency para mapatupad ang di pa nagagawa kahit kailan na pagpopondo mula sa lehislasyong ito. Ang mga paunang usapang ito ay makakatulong para matiyak na ang disenyo at pagpapatupad ng mga programa ay nagpapakita ng input mula sa malawak na koalisyon ng mga stakeholder para matiyak ang ganap na benepisyo sa ekonomiya at kapaligiran mula sa makasaysayang pamumuhunan na ito ay maisasakatuparan ng lahat, lalo na iyong mga higit na nahihirapan buhat ng environmental, social, at economic injustice.
Ang RFI ay nagkakaloob ng impormasyon sa background at mga tanong para maisaalang-alang ng publiko habang binibigay nila ang kanilang input. Maglilikom at isasaayos ng EPA ang impormasyon na nataggap sa RFI sa anim na pampublikong mga docket na tumutugon sa mga kondisyon sa ilalim ng Inflation Reduction Act sa batas. Dagdag pa dito, patuloy ang agency sa pagsasagawa ng malawakang pakikibahagi ng publiko habang nagsisikap itong mapatupad ang batas.
Hinihikayat ang Publiko na I-revue at Magbigay Komento sa Anim na Pampublikong Docket
DOCKET 1: Climate Pollution Reduction Grants
Ang EPA ay nakatanggap ng $5 billion para makatulong sa mga estado, sa mga air pollution control agency, mga Tribe at lokal na pamahalaaan upang makapag-develop at mapatupad ang matatag na estratehiya sa pagbabawas ng polusyon sa klima. Ang mga karapat-dapat na entity na ito ay maaaring mag-apply sa pagplano ng mga grant at tapos ay mag-apply para sa mga grant upang mapatupad ang mga plano na iyon.
DOCKET 2: Mga Programa para sa Transportasyon
Ang EPA ay nakatanggap ng $4 billion para sa dalawang bagong mga programa upang mabawasan ang mga emission mula sa sektor ng transportasyon. Ang unang programa ay ang Clean Heavy-Duty Vehicle program na mamumuhunan ng $1 billion para makatulong na masakop ang mga gastusin sa pagpapalit sa maruruming heavy-duty na sasakyan na mayroong mga malilinis na alternatiba, makapagbigay ng mga sumusuportang imprastraktura, at/o masanay at madevelop ang mga kinakailangang workforce. Di bababa sa $400 million ang dapat na mapunta sa mga area na hindi nakakatugon sa pambansang mga pamantayan sa kalusugan para sa kalidad ng hangin. Ang applicaiton ay bukas sa lahat ng mga estado, munisipyo, mga Indian tribe, nonprofit na school transportation associatio, at mga karapat-dapat na contractor.
Ang ikalawang programa ay magbibigay ng $3 billion na mga grant para mabawasan ang air pollution sa mga port na mayroong kahit man lang $750 million na mapupunta sa mga area na hindi nakakatugon sa mga pamantayan sa kalidad ng hangin. Ang mga pondong ito ay magagamit sa maraming mga aktibidad na kinabibilangan ng pagbili at pagkakabit ng zero-emission port equipment at teknolohiya, na sakop ang mga nauugnay na gastusin sa pagplano at pagpapahintulot, at pag-develop ng mga kuwalipikadong climate action plan. Ang mga karapat-dapat na entity ay kinabibilangan ng mga awtoridad ng port; anumang pang-estado, pang-rehiyon, lokal, o tribal na agency na may hurisdiksyon sa awtoridad ng port; mga agency ng air pollution control; at mga non-profit at pribadong entity na kapartner ng nakasulat sa itaas at nagmamay-ari, nagpapagana, o gumagamit ng mga pasilidad ng port.
DOCKET 3: Methane Emissions Reduction Program
Ang EPA ay nakatanggap ng $1.55 billion upang mabawasan ang mga emission ng methane mula sa sektor ng oil at gas sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansiyal na tulong (mga grant, rebate, kontrata, pagpapautang, at iba pang mga aktibidad) at teknikal na tluong at pati na rin ang pagpapatupad ng hinihingi sa ilalim ng batas na waste emissions na singilin. Ang mga karapat-dapat na tumatanggap ng mga pondong ito ay kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, mga air pollution control agency, iba pang pampubliko o non-profit na pribadong agency, mga institusyon, mga organisasyon, at mga indibiduwal. Tiniyak sa programa na di bababa sa $700 million ang dapat gamitin para sa mga aktibidad sa marginal convention wells. Hinihiling rin sa seksyon 60113 mula sa EPA na magpatupad ng waste emission na singilin sa methane na gamit sa mga naaangkop na pasilidad ng oil at gas na nagpapalabas ng higit sa 25,000 metric ton ng Co2e na higit sa tiniyak sa batas na limitasyon sa waste emission simula 2024. Ang singilin sa waste emission ay magsisimula sa $900 at tataas hanggang $1,500 kada metric ton.
Docket 4: Pagpopondo para Matugunan ang Polusyon sa Hangin
Ang EPA ay nakatanggap ng higit sa $300 milyon sa pagpopondo upang masuportahan ang misyon para sa kalidad ng hangin ng agency sa pamamaitan ng pamumuhunan sa iba’t ibang mga aktibidad na mapaparami ang pagbabantay sa loob at ng mga komunidad, mapalawak at mapalakas ang mga pamamaraan sa pagbabantay sa bansa, mapahusay ang mga pamamaraan sa pagbabantay at ang nauugnay na kapasidad nito, gawing mas handang magagamit ang data ng pagbabantay at magamit ng mga komunidad, at mapahusay ang kalidad ng hangin sa mga paaralan ng ating bansa. Ang anim sa mga programang ito ay awtorisado sa ilalim ng Seksyon 60105. Ang seksyon n aito ay nagtatatag sa maraming mga karapat-dapat na aplikante na kinabibilangan ng mga indibiduwal, pang-estado, lokal at Tribal Air pollution control na agency, at iba pang pampubliko o nonprofit na pribadong agency, mga institusyon, at mga organisasyon na nakatanggap rin ang EPA ng $50 million sa Section 60106 para matugunan ang air pollution sa mga paaralan na may $12.5 million na nakalaan para sa pagbibigay ng teknikal na tulong at ang natitirang mga grant at iba pang mga aktibidad upang mabantayan at mabawasan ang air pollution at greenhouse green emissions sa mga paaralan sa mababang kita at nahihirapang mga komunidad. Ang mga karapat-dapat na aplikante para sa pagpopondong ito ay kinabibilangan ng mga indibiduwal, mga air pollution control ageny, at iba pang pampublikong nonprofit na pribadong agency, mga institusyon, at mga organisasyon.
Docket 5: Pagpopondo para sa Pagpapatupad ng American Innovation and Manufacturing (AIM) Act
Ang pagpopondo ay may kasamang $38.5 million para sa pagpapatupad ng AIM Act para mapatupad ang Kigali Agreement sa hydrofluorocarbons. Sa pagpopondong ito, ang $15 million ay nakalaan sa mga bagong kompetetibong grant na maaaring makuha at mga innovative na destruction technology, $20 million ay nakalaan sa EPA upang mapatupad nito ang AIM Act, at $3.5 million ay nakalaan sa EPA para magbigay ng bagong mga pamamaraan sa pagpapatupad at pagsunod sa patakaran para sa AIM Act.
Docket 6: Low Emissions Electricity Program at GHG Corporate Reporting
Low Emissions Electricity Program
Ang pagpopondo ay kinabibilangan ng $87 million para mapondohan ang maraming iba’t ibang mga aktibidad para mahikayat ang low emissions electricity generation sa pamamagitan ng edukasyon, technical assistance, at mga partnership sa mga mamimili, mga may mababang kita at nahihirapang mga komunidad, industriya, at pang-estado, lokal, at Tribal na pamahalaan.
GHG Corporate Reporting
Ang pagpopondo ay may kasamang $5 million upang mapahusay ang standardization at pagiging malinaw ng mga pangako ng korporasyon para sa climate action at mga plano para mabawasan ang greenhouse gas emissions, mapahusay ang pagiging malinaw hinggil sa proseso upang matugunan ang nasabing mga pangako at pagpapatupad ng nasabing mga plano, at sumulong upang matugunan ang nabanggit na mga pangako at sa pagpapatupad rin ng mga ito.
Ang RFI at may karagdagang impormasyon kung paano makapagbigay ng komento ang available sa website na ito.
Background
Noong Agosto 2022, naipasa ng Kongreso at nilagdaan rin ni President Biden, ang Inflation Reduction Act upang maging batas ito, na lumilikha ng malaking pamumuhunan para malabanan ang climate crisis sa kasaysayan ng Estados Unidos. Ang Inflation Reduction Act ay magpapalakas sa seguridad sa enerhiya ng Estados Unidos, makatulong sa mga pamilya na makatipid sa mga gastusin sa enerhiya at mga inireresetang gamot, mabawasan ang kulang sa budget, at makalikha ng mga trabaho na mainam ang pasahod. Ang EPA ay nakatanggap ng $4.1 billion na paglalaan para makapag-develop at suportahan ang 24 bago at kasalukuyan nang mayroon na mga programa na nagbabantay at nagbabawas sa greenhouse gas emissions at air pollution, para protektahan ang kalusugan at mapasulong ang environmental justice. Hangad ngayon ng RFI ang input ng publiko sa malaking parte ng kabuuang ito, at gagamitin ng agency ang impormasyong natanggap bilang magsilbing gabay sa mga susunod na hakbang upang maihatid ang mga makasaysayang mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na ito kung saan ito lubos na mapapakinabangan sa iba’t ibang mga komunidad sa buong bansa.
[ad_2]
Originally Appeared Here