WASHINGTON (Oktubre 12, 2022) – Ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay mamumuno sa dalawang virtual na pampublikong meeting para talakayin at kumuha ng input sa mga konsiderasyon sa environmental justice na may kaugnayan sa development ng namungkahing Lead and Copper Rule Improvements (LCRI). Ang mga session na ito ay magkakaloob ng mga oportunidad para sa EPA na mamahagi ng impormasyon tungkol sa darating na pagtatakda ng mga tuntunin ng LCRI at para sa mga indibiuwal na naghahandog ng input para makonsidera sa environmental justice na may kaugnayan sa tuntunin na ito.
“Ang aming trabaho ay ibahagi ang mga nadedehadong komunidad na negatibong naaapektuhan ng lead ay kritikal na matiyak ang environmental justice sa loob ng Mga Pagpapahusay sa Lead and Copper Rule,” sinabi ng EPA Assistant Administrator for Water na si Radhika Fox. “Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa development ng aming mga pagpapahusay sa tuntunin at patungo sa pagpapalit sa lahat ng mga lead service line, isang pananagutan ng Lead Pipe at Point Action Plan ng Administrasyon ni Biden-Harris.”
Ang EPA ay may pananagutan na protektahan ang mga pamilya at komunidad mula sa lead sa iniinom na tubig. Bilang bahagi ng proseso ng LCRI sa pagtatakda ng tuntunin, ikinokonsidera ng EPA ang pagbibigay ng priyoridad sa pagpoprotekta ng mga di masyado napaglilingkuran batay sa kasaysayan at sobrang nahihirapang mga komunidad. Nilalayon ng EPA na magmungkahi sa LCRI para makapagbigay ng komento ang publiko sa taong 2023 at gumawa ng panghuling kilos sa pagsapit ng Oktubre 16, 2024. Pagkuha ng input mula sa publiko sa development ng namungkahing LCRI ay kritikal sa proseso ng development ng tuntunin.
Ang dalawang pampublikong meeting ay magkapareho at gaganapi online lamang sa Oktubre 25 (1-4 pm ET) at sa Nobyembre 1, 2022 (5-8 pm EDT). Ang mga miyembro ng publiko na interesado na sumali sa meeting ay maaaring magparehistro dito at may oportunidad rin na makapag-sign up sa pagbibigay ng mga verbal na puna. Hinihikayat ng EPA ang publiko na ibahagi ang kanilang nasasaisipan kung paano patas na matugunan ang mga isyu ng lead sa iniinom na tubig sa kanilang mga komunidad.
Tumatanggap rin ang EPA ng mga nakasulat na komento gamit ang pampublikong docket sa http://www.regulations.gov/, Docket ID No. EPA-HQ-OW-2022-0801 hanggang Nobyembre 15, 2022.
Nilalayon ng EPA na magmungkahi sa LCRI para makapagbigay ng komento ang publiko sa taong 2023 at gumawa ng panghuling kilos sa pagsapit ng Oktubre 16, 2024.
Ang mga pampublikong meeting sa environmental justice ay bahagi ng maraming mga aktibidad para sa pagiging bahagi ng stakeholder at mga konsultasyon na sinasalihan ng EPA bago imungkahi ang LCRI. Ang EPA ay nagsasagawa ng Tribal Consultation sa Oktubre 27 at Nobyembre 9, 2022 (higit pang alamin). Ag EPA ay nakikipagkonsulta rin sa Science Advisory Board (SAB), National Drinking Water Advisory Council (NDWAC), pederal at mga lokal na entity, at Small Business Advocacy Review (SBAR) Panel tulad nang hinihiling sa ilalim ng Safe Drinking Water Act at iba pang mga kautusan sa ilalim ng mga batas at mga executive order.
Higit pang alamin ang tungkol sa ligtas na iniinom na tubig at ang darating na Lead and Copper Rule Improvements na pagtatakda ng tuntunin at mga nauugnay na usapan.
[ad_2]
Originally Appeared Here